FULLCLIP - Apekz

FULLCLIP

Apekz

00:00

03:18

Similar recommendations

Lyric

Wala 'tong dulo kaya bakit 'di ko sasagarin

(Suntok sa buwan)

Pero pati araw sasapakin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari ng mga balak pero may balak parin

Kahit gumana na yung plano ay may gana parin

(Asa ka men?)

Hinding hindi hindi ito tatamarin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na mga balak pero may bala parin

Araw-araw nangungutang ng tulog puro na puyat

Yung sulat 'di masukat laging pupudpudan ng utak

Tulak parin ng tulak lalo't ramdam kong umuusad

Ganun talaga siguro pagka pangarap mo lagpas ulap

At ayoko masanay na makatikim ng puri (what)

Baka mabusog yung gutom ko dyos ko ako 'din ang lugi (yah)

Bago paman nakilala (ah) ang dami na gusto masulit (ah)

Ngayon naman nakilala ako gusto ko na ay mai-ukit

Ang pangalan kong dala

Lalo ngayon dito ko dinala

Bago pa matabunan mag marka

Kahit mga bagay na hindi na dapat ginawa ay ginawa

Kasi pakiramdam ko'y para dito ako ginawa

Kung usapang sipag yung sampu ay sinasampu ko

Isang daang pursyento lagi para puro

'Nung natuto mas tumutok mas natuto sina sa puso

Sina ulo lahat nang pwede kasi sali sa kuro-kuro

Walang 'tong dulo kaya bakit 'di ko sasagarin

(Suntok sa buwan)

Pero pati araw sasapakin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na ang mga balak pero may bala parin

Kahit gumana na yung plano ay may gana parin

(Asa ka men)

Hinding hindi hindi ito tatamarin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na ang mga balak pero may bala parin

Magmano ka muna sakin bago ka magmamagaling

Sa oras na maging bitwin hirap kanang matahin

Laging tinatalo yung tao sa harap ng salamin

Gulong ay makapit kahit malayo na ang narating

Lumusot sa butas ng karayom walang kupas ang tela

Dahil ang makita ay puno ng makukulay na letra

Lapis, upuan, lamesa naging puhunan sa gyera

Kinalabit ko na gatilyo habang puro ka teka

Nakaabang sa pagka dapa asa kapa para kang tanga

Mga talangkang walang magawa

Naghahanap ng kasama sa baba

Hindi na kaylangan pa na mag-abala

Kusa naman na mawawala walang makakadama

Tignan mo bandang huli sila pa yung nakakatawa

Palaging puno ang tanke sa napiling daanan

'DI hahayaang may makinabang sa pinaghirapan

Hindi mapapagod malabo matakot

Sa laban wala nang atrasan

Lilipad ng matayog kahit umabot pa hanggang kalawakan

Walang 'tong dulo kaya bakit 'di ko sasagarin

(Suntok sa buwan)

Pero pati araw sasapakin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na ang mga balak pero may bala parin

Kahit gumana na yung plano ay may gana parin

(Asa ka men)

Hinding hindi hindi ito tatamarin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na ang mga balak pero may bala parin

Walang 'tong dulo kaya bakit 'di ko sasagarin

(Suntok sa buwan)

Pero pati araw sasapakin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na ang mga balak pero may bala parin

Kahit gumana na yung plano ay may gana parin

(Asa ka men)

Hinding hindi hindi ito tatamarin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na ang mga balak pero may bala parin

- It's already the end -