PagMAMAhal - Ex Battalion

PagMAMAhal

Ex Battalion

00:00

05:02

Similar recommendations

Lyric

Ooh, ooh

Alam ko may mali ako

Kahit na nananabik pa sa yakap mo

Nagmamatigas ako

Gusto kong hawakan nang mahigpit ang 'yong mga kamay

'Wag kang aalis sa aking tabi 'pagkat 'di ako sanay

Kahit na ano man ang mangyari, nandiyan ka palagi

Tinitiis lahat ng sakit, hapdi, para lang sa akin

Ma, kung marami man akong pagkukulang

Lahat naman 'yon ay aking pupunan

Ikaw ang aking tandayan 'pag wala 'kong unan

Kahit ngayo'y malayo na, tumatayo nang mag-isa

Iba pa rin ang 'yong dalang pagmamahal 'pag nandiyan ka

Kahit 'di ko man masabi sa 'yo, Ma kung gaano kahalaga

Hanggang ngayon nananabik pa rin ako sa iyong

Sa iyong pagmamahal

Pagmamahal

Sa 'yong pagmamahal

Pagmamahal

Sa 'yong pagmamahal

Mama, salamat at ikaw ang naging ilaw ng tahanan natin

Ni minsa'y 'di ka nagkulang sa pag-aalaga at pagtitiyaga sa akin

Bilib din ako sa 'yo, sa iyong pinakitang pagmamahal

Kaya hanggang sa dulo, Ma

Ako'y saludo sa iyo, aking ina

Dahil natayo, naisulong mo ang pamilya natin

Na maayos na ikaw lang mag-isa

Alam kong 'di sapat ang papuri at salamat

Alam kong kulang ang mga halik pati ang yakap

Alam kong 'di ko kayang tumbasan ang mga luha't mga pawis

Na binuhos mo, 'wag lang kaming magdusa

Ikaw ang nagbigay ng buhay, 'di ka naghintay

Ng pabuyang kapalit o masarap na tagumpay

Basta para sa iyo, walang 'di kayang ibigay

Kung ako'ng makikinabang, buhay man ibibigay

Inay, salamat, kahit minsan po ay 'di ka tumalikod

Tinuro mo sa amin, sa taas 'wag makalimot

Pangako kahit sa'n makarating o makalibot

Ay baon mga turo mo, hindi ko malilimot

Kahit ngayo'y malayo na, tumatayo nang mag-isa

Iba pa rin ang 'yong dalang pagmamahal 'pag nandiyan ka

Kahit 'di ko man masabi sa 'yo, Ma kung gaano kahalaga

Hanggang ngayon nananabik pa rin ako sa iyong (sa iyong)

Sa iyong pagmamahal

Alam kong masaya ka nu'ng ako'y ipanganak

Kaya mong isugal ang buhay mo at matiyak

Na ako'y lumaki, 'di hahayaang mapahamak

Lagi sa tabi, masasaktan 'pag umiyak

Kahit na 'di ko man masabi sa 'yo nang harapan

Na mahal kita, Ma, kahit na kadalasan

Meron mang katigasan ng ulo at ni minsan

'Di mo 'ko sinukuan at kahit nahihirapan ka

Andiyan pa rin, nanay ko pa rin

Handa 'kong mahalin kumapit man sa patalim

At alam ko na hindi naman gano'n kadaling maging ina

Pero isa ka sa pinakamagaling, Ma

'Di man ako ang pinakamabuting anak (oh)

Mabuti na lang, handa ka na gawin lahat

Pagmamahal na sa iba'y hindi ko mahahanap

Hindi ka nagkulang na busugin ako sa yakap

At bilib ako sa 'yong pagiging ina

Kasi kahit magkamali ako, kakampi kita

Binibigay mo kahit para sa sarili mo na

Kaya hinding-hindi kita 'pagpapalit sa iba

Ma, umasa ka na ngayon wala ka nang sakit sa ulo

Natuto na 'ko sa mga pangaral mong tinuro

Mahal kita, Ma kaya umasa ka na

Mula ngayon ipaparamdam kong mahalaga ka

Kahit ngayo'y malayo na, tumatayo nang mag-isa

Iba pa rin ang 'yong dalang pagmamahal 'pag nandiyan ka

Kahit 'di ko man masabi sa 'yo, Ma kung gaano kahalaga

Hanggang ngayon nananabik pa rin ako sa iyong (sa iyong)

Sa iyong pagmamahal

Sa iyong pagmamahal

Sa iyong pagmamahal

Nasasabik pa rin ako sa 'yong pagmamahal

- It's already the end -