P's Song - CLR

P's Song

CLR

00:00

04:23

Similar recommendations

Lyric

Ayy, yeah, uh

'Di ko alam kung pa'no sisimulan

'Di ko alam kung pa'no sisimulan, yo

Handa na ako, Mark, game, game

Uh, uh, yeah, yeah (Mark beats)

'Di ko alam kung pa'no sisimulan

Etong aking tula, medyo mahirap-hirap

Ang maglahad ng nararamdaman kasabay ng beat

Pero kailangan nang ilabas nilulumot kong sikreto

Nu'ng una kitang makita

Ika'y nakaupo't umiiyak tapat ng aming eskinita

At parang mukha kang depressed no'n

At iniisip ko, baka ikaw ay ninakawan ng cellphone

At 'di ba? Tinanong ko ang iyong pangalan

Sabi mo hindi ka interesado, sabi ko 'wag na nga lang

Suplada, ayaw magpakilala

Pagkaraan ng isang oras ay sinundo ka ng iyong syotang

Nakakotse, kagalang-galang

Ako'y pobre ngunit utak ay mayaman

Kung naging sa 'kin ka lamang, 'di kita iiwan

Hanggang sa huli, ikaw ay aking aalagaan

Whoa-oh-oh-oh, whoa-oh-oh-oh

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

Whoa-oh-oh-oh, whoa-oh-oh-oh

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

Oh, ikaw ba 'yon, ang sexy at sa'n kaya punta

Nalalanghap ko rito banda ang sampaguita

Mong pabango, kahit ako'y pango, amoy kita

Habang tinitingnan ko ang kislap ng iyong mga mata

Ngunit ito'y nawawala sa tuwing ako'y lalapit na

'Di naman kita babastusin, ba't nagagalit ka?

Ibibigay ko lang 'tong panyo mo, nahulog mo yata

Pangpunas ng luha kung 'di ka bagsakan ng grasya

Tinatanong ko muli ang iyong pangalan

'Di ka sumasagot, patay malisya lamang

Ako ay nalungkot, dalawang beses na yatang

Dinededma ang tanong na 'to ngunit parang

'Di ka masaya sa tuwing kasama mo sila

Sila, sila, sila, oo, iba't ibang mukha

Sumusundo sa 'yo at pawang nakakotse pa

Sige, ingat at hihintayin ko ang iyong pagbaba, whoo

Whoa-oh-oh-oh, whoa-oh-oh-oh

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

Whoa-oh-oh-oh, whoa-oh-oh-oh

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

Bakit ba ang hilig mo sa iba't ibang mga lahi?

Nagpapaalipin ka sa kung kani-kaninong hari

At masaya ka raw kunwari, uh

At nakatiis ka sa pinakamabahong ugali

Putang inang mga dayuhan na 'yan

At ika'y walang sawang pinagsamantalahan

Ngunit wala lang sa 'yo 'yon dahil du'n ka nakakakuha

Ng luho mo at balang araw ay kanyang huhubaran

Hanggang sa wala ka ng ibang mapupuntahan

Kukunin nila lahat sa 'yo kahit ba piso man 'yan

Hanggang sa wala ka nang madudukot sa iyong bulsa

Kundi ang iyong dignidad pati pamato't panabla

Hangad ko lamang ay makilala ka

Bakit ba kailangang papahirapan pa ako?

Biglang tumulo luha mo, sabay punas, sabi mo

Pangalan ko pala ay Pilipinas

Pangalan, pangalan ko'y Pilipinas

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

Hindi, hindi, hindi kita iiwan

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

Kapit lang, kapit lang, kapit lang

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

Kapit lang, kapit lang, kapit lang

Hindi kita iiwan, dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang

- It's already the end -