Ikot - Over October

Ikot

Over October

00:00

04:10

Song Introduction

Wala pang impormasyon tungkol sa kantang ito.

Similar recommendations

Lyric

Paikot-ikot lang mula no'ng mailang

Gawa ng 'yong tingin at ngiti

'Di sinasadyang mahulog, mahibang

Aasa na tayo sa huli

Aaminin ko ba o baka bigla lang mawala

Kung ano mang pumapagitan sa 'ting dalawa?

Naiisip mo ba sa mga oras na tayo'y magkasama

Kung ano tayo sa buhay ng isa't isa?

Paikot-ikot lang mula no'ng mailang

Gawa ng 'yong tingin at ngiti

'Di sinasadyang mahulog, mahibang

Aasa na tayo sa huli

Araw-gabi, tanging ikaw ang nasa isip

Kahit laman ng panaginip ay ikaw

Ang aking hiling, tumanda nang ikaw lang ang kapiling

Habang-buhay ay pipiliin ko ikaw

Paikot-ikot lang mula no'ng mailang

Gawa ng 'yong tingin at ngiti

'Di sinasadyang mahulog, mahibang

Aasa na tayo sa huli

Ah

Ah

Paulit-ulit na lang sinasabi

Pero 'di ko naman pinaninindigan

Oh, palaging nagdadal'wang-isip

Paulit-ulit ko lang sinasabi

Sa sarili ko ang mga hindi

Mabitawang salita para sa 'yo

Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw

Ng puso kong 'di mapakali

Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw

Pag-ibig ko'y sana mapansin

Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw

Ng puso kong 'di mapakali

Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw

Pag-ibig ko'y sana mapansin

Paikot-ikot lang mula no'ng mailang

Gawa ng 'yong tingin at ngiti

'Di sinasadyang mahulog, mahibang

Aasa na tayo sa huli

- It's already the end -